Maraming pilipino ang di gaanong alam ang tamang paraan ng paghihiwalay ng basura sa ating mga tahanan, bakit kaya?
Dahil kaya sa hindi natin ito nagagawa sa araw-araw o sadyang wala tayong paki alam dahil ang tingin natin sa basura ay walang kwentang bagay.
Ngayon ang panahon na ang nagsasabi sa atin na dapat na tayong gumalaw para malutas ang kakaharapin pa nating mga isyu sa basura.
Una sa lahat ay dapat tayong magkaroon ng magandang pananaw sa ating basura, isang magandang pananaw? Papano naman magagawa yun?
Posible ang lahat basta meron tayong determinasyon makamit ang gusto natin. Sa kasaysayan ang basura ay isang industriya, na kung saan nakakatulong ito ng malaki sa ating ekonomiya. Halimbawa sa simpleng papel na hawak mo at gusto mong itapon kung saan lang, pwede mo itong itabi at ilagay sa tuyong lalagyan kung saan pwede pa ito maging bagong papel ulit. Simple ngunit parang mahirap sa iba.
Sana maging iba ang tingin natin sa maliit na basura na kung saan malaki ang maitutulong sa ating buhay at sa kinabukasan. Dito magsisimula ang ating pagtahak sa bagong panahon ng BASURA.
No comments:
Post a Comment